Bulag Na Pag-ibig o Sadyang Tanga Lang

Sabi ng iba, ang pag-ibig nga daw ay bulag, ngunit, bakit nga ba dahil sa pagkabulag na ito ay nasasaktan pa rin ang tao kahit pag-ibig na inaasam-asam ay kumakatok na sa pintuan ng puso? Isa ito sa mga tanong na bumabagabag sa isipan ko sa mga panahon ngayon na hindi napapanahon. Wala sa tamang oras, wala sa tamang sitwasyon, wala sa tamang tao at wala sa tamang lugar ang lahat. Kaya ang tanong ko, sapat na nga ba ang mga ngiti at tawanan, matatamis na salita, maiinit nayakapan o mabibigat na pangako ng walang hanggan, para masabi mong pag-ibig … Continue reading Bulag Na Pag-ibig o Sadyang Tanga Lang

Tahanan sa Bahay ng Panginoon

Para sa isang estudyanteng mag-isang naglalakbay sa mapanganib at malawak na syudad na ito, isa sa pinakamahirap gawin ay ang makahanap ng isang tahanang kakanlong sa payak kong pagkatao. Ngunit sa kabila ng masukal na daan patungo sa lugar kung saan ako nakatadhana ay nakita ko pa rin ang liwanag at tinig ng mga nilalang na handang yumakap sa akin ng buong puso maging sino man at ano man ako. Nagsimula ang lahat Pebrero noong isang taon habang ako’y nasa ikalawang semestro pa lamang ako ng aking unang taon sa kolehiyo.  Pagkatapos ng walong buwan kong paghahanap ng lugar na … Continue reading Tahanan sa Bahay ng Panginoon